Join MultiplyOpen a Free ShopSign InHelp
MultiplyLogo
SEARCH

Reuel Molina Aguila: Magdaragat ng Pag-ibig

HomePara sa Panitikan at SiningFeb 28, 2007
Nakilala ko ang halakhak sa bulong ng pag-ibig At ang katahimikan mula sa iyong mga labi

Photo AlbumSa Pakpak ng TulaSep 10, '11 5:45 AM
for everyone
ddd
dThumbnaild
ddd
Photo Exhibit ng mga Litrato ng mga Ibon na May Kasamang Tula.
19-30 Setyembre 2011
Faculty Center, UP, Diliman

Blog EntryMar 2, '11 10:24 PM
for everyone

Ikaapat na Palihang Rogelio Sicat

Tumatanggap Na ng mga Lahok

 

 

Pangungunahan nina Efren Abueg, Rogelio Ordoñez, at Elmer Ordoñez ang kaguruan para sa Ikaapat na Palihang Rogelio Sicat (PRS).

 

Ang PRS ay ang tanging palihan na naglilinang sa kabataang manunulat na gumagamit ng Pambansang Wika.

 

Gagaganapin ito sa 26 – 29 Mayo 2011 sa Amadeo, Cavite sa pamamahala ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas ng Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, sa pakikipagtulungan sa Cavite Young Writers’ Association.

 

Sina Abueg at R. Ordoñez ay bahagi ng grupong Agos sa Disyerto. Samantalang manunulat at iskolar ng panitikan naman si E. Ordoñez.

 

Hinihiling na magsumite ang mga nais lumahok ng alin man sa sumusunod:  limang (5) tula, o dalawang (2) maikling kuwento (10 – 15 pahina), o dalawang (2) maikling kuwentong pambata (5-7 pahina); dalawang malikhaing sanaysay (10 – 15 pahina); maikling tala sa sarili; larawan (2x2, may kulay); at gumamit ng 12 points, doble-espasyo, 8x11 na sukat.

 

Tutustusan ng palihan ang lahat ng gastusin mula UP Diliman hanggang sa pagdarausan ng palihan. Gayon din, pagkakalooban ng modest stipend ang lahat ng mapipiling kalahok.

 

Ipadala ang mga kakailanganin sa email lamang na prsdfpp@yahoo.com bago matapos ang 6 ng Mayo. Maaari ring magpadala ng mga katanungan sa email adress na ito.


Photo AlbumTarpotulaFeb 22, '11 10:54 PM
for everyone
ddd
dThumbnaild
ddd
Mga tula nina Joey Baquiran, Eugene Evasco, at Reuel Molina Aguila; nilapatan ng biswal na interpretasyon ng mga mag-aaral ni Neil Doloricon; at inilagay sa tarpaulin. 22 Pebrero - 15 Marso 2011; Kanlurang labas ng Faculty Center

Aplikasyon sa SMPF 2011

 

 

 

Muling binubuksan ang aplikasyon para sa Sertipiko sa Malikhaing Pagsulat sa Filipino, Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, Unibersidad ng Pilipinas Diliman.  Para sa mga interesadong lumahok sa programa, inaasahang maibibigay ang mga sumusunod na kahingian:

 

(1) Photocopy ng high school report card, may GWA na 80 (1st – 3rd year high school at 1st – 3 rd quarter ng 4th year; dapat ay 85 ang average sa Filipino at Ingles),

 

(2) koleksyon ng mga orihinal na malikhaing akda (dalawa hanggang tatlo ng alinman sa mga sumusunod: tula, maikling kuwento o nobeleta , dula, kuwentong pambata, teleplay o script sa pelikula, sanaysay),

 

(3) Rekomendasyon mula sa isang dating guro na naglalaman ng mga napanaluhang kompetisyon, trabaho sa dyaryo at/ o school paper, mga na-publish at mga katulad na impormasyong may kinalaman sa pagsusulat, pagtatanghal at kawangis na gawain. 

 

Pebrero 1-28  ang application period, Marso 7, 4:00 – 5:00 n.h. ang oryentasyon ng mga aplikante, Marso 12, 1:00 – 4:00 n.h. ang written exam, at Marso 19, 9:00 n.u. – 5:00 n.h. ang panayam.  Inaasahang maipabatid ang listahan ng mga napiling aplikante sa Abril 8, 2011.

 

Para sa karagdagang impormasyon, hanapin si Prop. Vlad Gonzales sa 9244899, o magpadala ng E-mail sa vlad.gonzales@gmail.com.  May karagdagan ding impormasyon sa Website ng Kolehiyo ng Arte at Literatura, http://kal.upd.edu.ph/dfpl_index.php?p=38 .


Photo AlbumPortraitsJan 1, '11 6:17 AM
for everyone
ddd
dThumbnaild
ddd
Nagbabalik ako sa pagkuha ng litrato. Nothing fancy. Gusto kong ma-document ang mga kaibigan at iba pang nakilala at nakita. Sinisikap kong i-capture ang pagkaunawa ko sa kanila. Unang sargo ito; more to come.

Photo AlbumAng Pasko ayon sa Aking AsoDec 27, '10 3:43 AM
for everyone
ddd
dThumbnaild
ddd
Kikiam ang pangalan ng aso kong Sharpei; dahil ito sa dami ng kanyang kulubot.

Photo AlbumPASADULADec 21, '10 7:27 AM
for everyone
ddd
dThumbnaild
ddd
Sampong dula mula sa halos apat na buwang intensibong workshop sa pagsulat ng dula: Agosto - Nobyembre 2011.
Sampong nagsisimulang mandudula ang ginabayan ng limang mentor, sina: Manny Pambid, Boni Ilagan, Al Santos, Glecy Atienza, at Reuel Aguila.
Nasa pagtataguyod ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, UP, Diliman; at ng NCCA.

Note: dadagdagan pa ang mga litrato at maglalagay pa ng mga detalye.

Photo AlbumLantern Parade 2010Dec 18, '10 3:43 AM
for everyone
ddd
dThumbnaild
ddd

Blog EntryDec 5, '10 4:51 AM
for everyone

 

Hangad ko’y pagbabago

Mapalitan na sana

Sa Facebook, status mo

Maging nag-iisa na

 


ddd
dThumbnaild
ddd
Mabilis ang panahon. Biglang bigla, 40 taon na ang nakalipas. Ngunit may asim at baliw pa rin. Kami yong mga karaniwang high school student sa tapat ng Nepa-Q-Mart; kalye ang school ground; 20 sections, iisang CR.... Aba, may narating din pala ang mga karaniwan.

Photo AlbumMASSKARAOct 21, '10 11:44 PM
for everyone
ddd
dThumbnaild
ddd
13-19 Oktubre 2010, Bacolod City

Blog EntryOct 7, '10 11:00 AM
for everyone

Ganoon Sanang Kadali

 

Ganoong kadali.

Basta naganap, nagkatotoo; dahil ginusto.

Ipinamahagi sa magsasaka ang Hacienda Luisita

At nagsunuran na rin ang iba pa:

Malalaking panginoong may-lupa

Korporasyon at dayuhan

Pati na ang simbahan.

Pinakawalan ang mga bilanggong pulitikal

At sinimulan ang pagtugis, pagdakip,

Pagpiit at paglilitis sa mga mababangis

Na pulis at militar, sindikato sa droga

Jueteng at kurap na opisyal.

 

Ganoong kadali.

Basta naganap, nagkatotoo; dahil ginusto.

Itinigil nang husto ang pagpuputol ng troso

Tigil ang smuggling, hinto ang panginigikil

At raket sa BIR, DepEd, DPWH

At iba pang sangay. Kay inam.

Naging mapagbigay sa peace talks

Ang pamahalaan. Itinakwil si Uncle Sam.

 

Ganoong kadali.

Basta naganap, nagkatotoo; dahil ginusto.

Tumaas ang sahod ng manggagawa, bumaba

Ang tuition, presyo ng mga produkto at serbisyo.

Pati multi-national ay narendahan.

At nagbukang-liwayway sa aking bayan.

 

Ngunit naaagnas noon ang buwan

At ang mga pusa ay naghaharutan sa bubungan.

Napaiktad tuloy sa pagkakatulog

At naudlot ang magandang bangungot.

 

 

 

 


Blog EntrySep 16, '10 6:08 AM
for everyone

 

Ilang Tanong Din

 

            Minsan, tinanong mo ako sa text: 

            Y das ur nose run, & ur ft smel?

 

Ang namamantikaan kaya ang nguso, nagtetengang kawali?

            Sana ay iyong dinggin

Ang kabagang ba, ngumunguya ng salita; o lumulunok?

            Sigaw nitong damdamin

Ang nagsusunog ba ng kilay, naglalaro ng apoy?

            Kahit magtakipsilim

Ang nagmamatang-manok, nangingitlog sa kahihintay?

            Ni hindi magmamaliw

Ang nasisilihan ang puwit, nakakaututang-dila?

            At uulit-ulitin

Ang may pusong-mamon, madaling mauhaw?

            May bagyo man at dilim

Ang may pusong-bato, madaling lumubog?

            Ikaw nga, ikaw pa rin

 

Bakit may mga tanong na mahirap sagutin

Tulad kung bakit ako sa’yo’y nahuhumaling

Tulad kung bakit ika’y di sa’kin nagigiliw

 


Blog EntrySep 5, '10 9:01 PM
for everyone

Millado directs Aguila’s human rights dramas

 

Renowned theater artist Chris Millado directs two works by award winning playwright Reuel M. Aguila.

 

Human rights dramas Walang Maliw and Alimuom will be staged on 24-27 September (7pm with 3 pm shows on the weekend) at the Tanghalang Hermogenes Ylagan, Faculty Center, UP, Diliman. Sherry Lara, Teroy Guzman, Julia Enriquez, and Paolo Rodriguez perform in this production.

 

“This is the initial offering of the Department of Filipino and Philippine Literature’s Tanghal Likha (Stage Works), a program which produces for the stage the plays, poems, fiction, and other creative works by students and faculty members,” said Dr. Jimmuel Naval, the department chair.

 

Aguila received the lifetime achievement award Pambansang Alagad ni Balagtas for playwriting by the Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas in 2004. He is also Palanca Hall of Famer. Chris Millado heads the Performing Arts Department of Cultural Center of the Philippines.

 


Blog EntryAug 17, '10 5:47 AM
for everyone

 

 

Pangungunahan ng mga batikang mandudulang sina Bonifacio Ilagan, Al Santos, Manuel Pambid, Glecy Atienza, at Reuel Molina Aguila ang intesibong pagsasanay sa 10 nagsisimulang mandudula mula sa Metro Manila, simula sa ika-21 ng Agosto sa UP, Diliman.

 

Tinaguriang Pandayan sa Dula o Pasadula, ang napiling 10 kalahok sa tatlong buwang palihan ay sina: Eric Aguilar, Ma. Stephanie Joy Andaya, Tyron Judes D. Casumpang, Noel Galon de Leon, Arvin Tiong Ello, Mari Joyce Villanueva Laspuña, Cara Cristina B. Red, Joshua Lim So, Ted Jan C. Rubio, at John Romeo L. Venturero.

 

Ang palihan ay nahahati sa tatlong yugto: serye ng mga lecture, one-on-one mentoring, at pagtatanghal ng nasulat na dula.

 

Itinataguyod ang Pasadula ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas ng Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, at ng National Council for Culture and the Arts.

 

Tumatayong Workshop Director sina Jimmuel Naval, tagapangulo ng DFPP, at si Reuel Aguila. Si Glecy Atienza ang namumuno sa National Committee on Dramatic Arts ng NCCA.


Blog EntryJul 20, '10 12:46 AM
for everyone

Intensibong palihan sa pagsulat ng dula

tumatanggap na ng lahok

 

Sampong nagsisimulang manunulat ang pipiliin para sa tatlong buwang intensibong palihan sa paglikha ng dulang may isang yugto.

 

Tinaguriang Pandayan sa Dula (Pasadula), ang palihang ito ay itinataguyod ng  Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas ng Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, at ng National Council for Culture and the Arts.

 

Limang batikang mandudula ang susubaybay at magiging mentor sa tig-dalawa lamang na kalahok upang matiyak ang masining na pagsusulat at panimulang pagtatanghal ng mga bagong dulang malilikha.

 

Bukas ang paglahok sa mga nagsisumulang mandudula na taga-Metro Manila. Magpadala ng: (1) Scenario na maglalaman ng pamagat, tauhan, tunay na pangalan, buod, konsepto ng pagtatanghal, at malinaw na daloy ng kuwento mula pagbubukas ng dula hanggang pagtatapos; (2) lima hanggang pitong pahina na bahagi ng iskrip; (3) larawan at komprehensibong tala sa sarili; at (4) nakasulat na patibay na may panahon para lumahok at tapusin ang tatlong buwang intesibong palihan.

 

Ipadala ang mga lahok sa pasadula@yahoo.com  bago matapos ang ika-6 ng Agosto, 2010. Magsisismula ang Pasadula sa ika-14 ng Agosto. May nakalaang sapat na panustos para makadalo ang mga matatanggap na kalahok.

 

Bahagi rin ng Pasadula ang pagdaraos ng mga lektura mula sa mga kilalang direktor, aktor at guro sa panitikan.

 

 


Blog EntryJul 8, '10 3:45 AM
for everyone

Pera sa Lupa

 

May ibang latag,

mahirap ipaliwanag,

kapag nakakita

ng pera

sa lupa;

nakakabigla.

 

Kahit munting halaga,

iba talaga. Iba

sa bulsa. Iba

sa wallet, sa kamay,

sa mesa. Iba

ang pera sa lupa;

mahiwaga.

 

May kaba, may pag-aalala.

May takot, ngunit masaya.

Pupulutin?

Palihim?

Di papansinin?

 

Kanina, nakita kita

may ibang latag ka;

mahirap ipaliwanag.

Nakakabigla.

Mahiwaga.

Parang pera sa lupa.

 

Mahirap ipaliwanag:

marami’ng nagkakahalaga

kapag nakalapat sa lupa.


Photo AlbumIkatlong Palihang Rogelio SicatMay 14, '10 2:04 AM
for everyone
ddd
dThumbnaild
ddd
28 Abril - 2 Mayo 2010; Baler, Aurora


Ang 15 napili mula sa 74 na aplikante

Tula- Louise Vincent B. Amante (Binangonan, Rizal); Ma. Monica V. Antonio (Puerto Princesa City, Palawan); Camille Josephine C. Cruz (Makati City); Christa I. De La Cruz (Parañaque City); China Pearl Patria M. De Vera (UP Diliman; Quezon City); Conrad Nuyles (San Pablo, Laguna); Alvin Ringgo C. Reyes (Quezon City); Alvin Capili Ursua (Lucena City, Quezon); Om Narayan A. Velasco (Manila).
Maikling Kuwento - Aidel Paul G. Belamide (Silang, Cavite); Jennette T. Bongo (Lucena City, Quezon); Johannes L. Chua (Malabon, Metro Manila); Rafael Carpio Cañete (Marilao, Bulacan); Christine Giselle Espino (Quezon City); and Cara Cristina B. Red (Cainta, Rizal).

Kaguruan: Edgardo M. Reyes, Luna Sicat-Cleto, Romulo P. Baquiran, Jr., Eugene Evasco, at Vladiemir Gonzales. Mga irektor ng Palihan at guro: Jimmuel Naval and Reuel Molina Aguila.

Blog EntryMar 27, '10 2:32 AM
for everyone

 

Kumbakit Nagpipikit Ako ng mga Mata

 

(para sa Earth Hour, 27 Marso 2010;

8:30 – 9:30 n.g., oras sa Pilipinas)

 

Minsan, tinanong ng aking kuya,

sa probins'ya, noong

kami’y mga bata pa,

kung bulag na ba daw s’ya;

nang pinatay na ang gasera

wala s’yang makita.

 

Walang matatandang nakatugon

maliban sa hanging may ibinubulong,

at mga kuliglig na waring may hinihimig.

Mayamaya pa’y pati mga mata’y

nasanay sa dilim. Sa dilim

higit na maningning ang mga bituin.

 

Ilang dekada na iyon; at gayong

pareho na kaming nagsasalamin,

ano’t higit nahihirapang aninagin

ang mga bituin

ng mga nagdaan;

nakakasilaw ang mga ilaw

ng kasalukuyan;

at ang liyab ng mga dagitab

ay sapat nang makapambulag.

 

Wala lang.

Mayroon lang mga alaala

na marahil ay mahalaga

o may aral; ewan. Di ko matantya

kumbakit higit akong nakakakita

sa pagpikit ng mga mata;

at higit na lumiliwanag ang pananaw

kung pinapatay ang mga ilaw.

 

 


Blog EntryMar 13, '10 12:50 AM
for everyone

Ang Palihang Rogelio Sicat, sa kanyang ikatlong taon, ay mabilis na umaani ng paggalang sa larangan ng pagsasanay sa kabataang manunulat.

Isa itong hamon na sumubok kayong lumahok..

 

Ikatlong Palihang Rogelio Sicat:
DFPP 2010 Pambansang Palihan sa Malikhaing Pagsulat

 

Petsa: 28 Abril – 2 Mayo 2010

Lugar: Baler, Aurora

 

Kwalipikasyon: Bukas sa lahat ng nagsisimulang manunulat sa wikang Filipino; sa alin mang anyo: tula, maikling kuwento o maikling kuwentong pambata.

 

Mga Kakailanganin:

1.      Akda (12 points, doble-espasyo, 8x11) ng alin man sa mga sumusunod:

- limang (5) tula; o

- dalawang (2) maikling kuwento (10 - 20 pahina kada kuwento); o  

- dalawang (2) maikling kuwentong pambata (5-7 pahina kada 

  kuwento).

2.      Maikling tala sa sarili.

3.      Larawan (2x2, may kulay).

4.      Application Form (tignan ang naka-attach).

 

Tutustusan ng palihan ang lahat ng gastusin mula UP Diliman hanggang sa pagdarausan ng palihan. Gayon din, pagkakalooban ng modest stipend ang lahat ng mapipiling kalahok.

 

Ipadala lamang ang mga kakailanganin sa email na palihangrogeliosicat@yahoo.com.ph nang hindi lalampas ng ika-9 Abril 2010. Maaari ring magpadala ng mga katanungan sa email na ito.

 

 


Pages:123456
© 2012 Multiply · English · About · Blog · Terms · Privacy · Corporate · Advertise · API · Help · Sitemap

Template design Copyright © 2005 Remi Prevost Some rights reserved.